Friday, March 6, 2009

Salamat Kiko. Paalam.

walang bagay sa mundo na panghabangbuhay. tulad ng tao. lalo na mga tao. kahit mga tao na naging diyos na sa mata ng iba. nakakalungkot pero ganun talaga. dahil kung hindi panandalian ang buhay, mawawalan ng saysay lahat.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

bata pa ko nun, grade school. nakikisabay lang sa mga trip ng kapatid ko. nung naging sikat ang "mga kababayan," bumili si ate ng casette ng album ni francis m. na "Yo!" pinakinggan ko. nagustuhan ko agad. hindi dahil pogi sya, hindi dahil sikat sya, kundi dahil sa mga kanta nya na kung papakinggan mong mabuti ay tatatak talaga sa buong pagkatao mo. mga problema ng bansa, ng mga tao, ng mga pilipino. mga katotohanan. malinaw nyang sinasabi sa kanyang mga kanta ang mga gusto nyang iparating. walang pasikot-sikot. sa kanya ko natutunan ang pagmamahal sa bansa at sa sariling wika. kaya isa sya sa mga naging inspirasyon ko hindi lang sa larangan ng musika kundi pati na rin sa buhay.


Salamat. Salamat sa musika. Salamat sa inspirasyon. Paalam Kiko.



http://francismagalona.multiply.com/

No comments: