habang nagbbyahe sa kahabaan ng slex, may makikita kang lugar na kung saan may gagawing subdivision o business district (alin man dun). bandang kanan kung manggagaling ka sa maynila. nakakatawa kase imbis na matuwa ako dahil sa pag-unlad ng lugar na 'yon e mas nakakalungkot kase ang dating malaking lupain na tinutubuan ng mga halaman at puno ay nagmistulang espasyo na lang ng lupa na kulay brown. swerte ka na kung makakakita ka man ng isang puno. iniisip ko, ano kaya ang nasa isip ng mga tao nung hinuhukay nila yung lupa at pinapatay yung mga puno at halaman habang pinapatag nila muli ito para pagtayuan ng malalaking gusali. nalulungkot kaya sila habang ginagawa nila yun o wala silang pakialam at ang iniisip lang nila ay yung pera na matatanggap nila sa pagtatapos ng kanilang trabaho? para sakin, kung ganon ang itsura ng sinasabi nilang industriyalisasyon, e mas mabuti pang wag na lang.
hindi ko na pahahabain 'to. naisip ko lang bigla kase nakakalungkot makita 'yon kase dati ay mga palayan, ngayon parang bundok na mininahan at iniwanan kase wala nang makuha. oo sige, isang batayan na umuunlad ang isang lugar. pero sana hindi dumating yung araw na imbis na mga puno e mga poste na lang ng kuryente ang dinadapuan ng mga ibon.
Tuesday, April 21, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment