bumulusok ang 2009 ng bonggang bongga na tila naging malaking fireworks display ang kalangitan ng buong pilipinas. lumabas ako para tingnan ang maraming fireworks at namangha ako sa ganda nila na kahit na ilang beses ka nang nakapanood, mamamangha ka parin.
bagong taon, bagong buhay, bagong pananaw. yan ang mga nasa isip natin tuwing na lang papasok ang bagong taon. pagdating sa new years resolution, may mga natutupad, merong taon-taon naman ay yun nang yun parin ang resolution. wala namang problema kung meron o wala kang resolution, ang importante ay natutupad nila ang mga kelangan nilang tupadin at magawa ang mga kelangan gawin.
nung bata ako tuwing bagong taon, ang mga nakikita kong fireworks eh pa-isa-isa lang. ngayon, nalilito na ako kung saan titingin sa dami ng fireworks na parang tinalo pa ang fireworks display ng enchanted kingdom (well, hindi naman) at mahihilo ka sa kakaikot ng 360 degrees para mapanood ang mga ito. nitong mga nakaraang araw, pinakita sa tv ang mga pilipino na bumibili ng mga paputok. naging kasama na sa tradisyon, hindi lang sa pilipinas pero pati na rin sa buong mundo, ang paggamit ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon. pero natawa na lang ako nung nakita ko sa balita na ang ibang pinoy ay inuna pa ang pagbili ng mga paputok kesa sa pang media noche ng pamilya nila. yung iba naman ay mas mahal pa ang nagastos nila sa paputok kesa sa kakainin nila sa hatinggabi. nakakatawa. akala ko ba naghihirap na ang pilipinas? hindi naman ata totoo yun eh. kung naghihirap ang pilipinas, hindi ba dapat mas maging mapili tayo sa kung ano ang mga gagastusan kesa sa hindi? hindi naman nakakain ang paputok pero mukhang tuwang-tuwa ang mga tao sa pagsindi sa mga mitsa at marinig ang kaboom ng mga ito. siguro nga naging tradisyon na, wala naman din masama sa pagpapaputok. pero alam ba talaga natin kung bakit nagpapaputok pag bagong taon? o sumusunod lang tayo kase naging tradisyon na nga? gusto lang ba natin magpaputok dahil maganda sha panoorrin kase nakakamangha yung mga ilaw? o ginagawa natin to dahil alam natin kung ano talaga ang sinisimbulo nito?
wala lang. naisip ko lang.
ewan. ilang bagong taon pa kaya bago tayo magbago? bagong taon, bagong buhay, bagong pananaw. sana nga magbago na.
Saturday, January 10, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment