Saturday, January 10, 2009

got ink?

someone once told me that "a tattoo is a reminder that once in your life you have been temporarily insane."


...WHAT THE HELL?!


i don't know if i am going to be angry about it or just laugh it off. it just goes to show how some people regard having a tattoo as what only "insane" people do and that "normal" people won't. that's bullsh*t because number one: how can you determine if someone is in fact insane or not?; number two: how can you say if someone or something is "normal?"; and number three: does a "normal" person still exist today? the fact that evolution and adaptation has changed the way we think has made me doubt that a normal person still exist. well to tell it straight, "normal" is just a state of mind (also a statistical term, but that's another story). if you think you're normal, then you are. but are you really?

it's just unbelievable that in an age where tattoos are considered as an art form and a form of expression, there are still those who consider it as taboo. are they born yesterday or what? tattoos have been around for centuries and are used in many tribal groups around the world and is a part of their culture. click here, here, or here for more info. but apparently, some people still regard those who have tattoos as criminals, excons, drug addicts, people who have nothing better to do, crazy, etc etc. why? can't good people have tattoos? hmmm... come to think of it... hahaha

well, as for me, getting inked is something sacred. it's your body, for crying out loud! who would want to get a tattoo just for the sake of feeling the pain and nothing else? unless you're a masochist. but not every tattooed person is one. for some people, having a tattoo is like materializing (for lack of words) a part of themselves and showing it to the world by having it tattooed on their skin. a tattoo is another way of telling a story and the main character is the person who owns it. it's his story. his life. and it's sad that other people say negative things about it. [unfortunately, there are those who wants to have or already has a tattoo but they want it just for the sake of having one. adds to the "coolness factor." whatever. it's just irritating and funny. at the same time. and this post is not made to defend them.]

my point is, so what if some people have tattoos? that doesn't prove that they are much less persons than those who are uninked. that doesn't mean they're evil *evil laugh*. it's just unfair to label those who are tattooed as "insane" or what have you just because you don't understand it (it also applies to anything that people usually don't understand). but then again, we're only human, and humans have a tendency to judge something most especially something that they know nothing of. you can say i'm insane, fine. or you can say i'm not normal, that's okay. but are you?

let's face it, even if, that's IF we had become temporarily insane even only once in our lives, different poeple have different ways to cope with it. may it be having a tattoo, or drinking tons and tons of coffee, or shopping, or whatever; all of us are in it. maybe you have been temporarily "insane" too, you just didn't realize it. an insane person would never admit that he is insane. but who am i to judge? it's a crazy world after all. and the people are even crazier.

bagong taon nga ba?

bumulusok ang 2009 ng bonggang bongga na tila naging malaking fireworks display ang kalangitan ng buong pilipinas. lumabas ako para tingnan ang maraming fireworks at namangha ako sa ganda nila na kahit na ilang beses ka nang nakapanood, mamamangha ka parin.

bagong taon, bagong buhay, bagong pananaw. yan ang mga nasa isip natin tuwing na lang papasok ang bagong taon. pagdating sa new years resolution, may mga natutupad, merong taon-taon naman ay yun nang yun parin ang resolution. wala namang problema kung meron o wala kang resolution, ang importante ay natutupad nila ang mga kelangan nilang tupadin at magawa ang mga kelangan gawin.

nung bata ako tuwing bagong taon, ang mga nakikita kong fireworks eh pa-isa-isa lang. ngayon, nalilito na ako kung saan titingin sa dami ng fireworks na parang tinalo pa ang fireworks display ng enchanted kingdom (well, hindi naman) at mahihilo ka sa kakaikot ng 360 degrees para mapanood ang mga ito. nitong mga nakaraang araw, pinakita sa tv ang mga pilipino na bumibili ng mga paputok. naging kasama na sa tradisyon, hindi lang sa pilipinas pero pati na rin sa buong mundo, ang paggamit ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon. pero natawa na lang ako nung nakita ko sa balita na ang ibang pinoy ay inuna pa ang pagbili ng mga paputok kesa sa pang media noche ng pamilya nila. yung iba naman ay mas mahal pa ang nagastos nila sa paputok kesa sa kakainin nila sa hatinggabi. nakakatawa. akala ko ba naghihirap na ang pilipinas? hindi naman ata totoo yun eh. kung naghihirap ang pilipinas, hindi ba dapat mas maging mapili tayo sa kung ano ang mga gagastusan kesa sa hindi? hindi naman nakakain ang paputok pero mukhang tuwang-tuwa ang mga tao sa pagsindi sa mga mitsa at marinig ang kaboom ng mga ito. siguro nga naging tradisyon na, wala naman din masama sa pagpapaputok. pero alam ba talaga natin kung bakit nagpapaputok pag bagong taon? o sumusunod lang tayo kase naging tradisyon na nga? gusto lang ba natin magpaputok dahil maganda sha panoorrin kase nakakamangha yung mga ilaw? o ginagawa natin to dahil alam natin kung ano talaga ang sinisimbulo nito?

wala lang. naisip ko lang.

ewan. ilang bagong taon pa kaya bago tayo magbago? bagong taon, bagong buhay, bagong pananaw. sana nga magbago na.

histsory of dreadlocks

http://thebutterflytribe.com/articles/historyofdreadlocks.html

Tuesday, December 16, 2008

quotes from waking life


"They say that dreams are only real as long as they last. Couldn't you say the same thing about life?"

"I feel like my transport should be an extension of my personality. And this is like my little window to the world... and every minute's a different show. I may not understand it. I may not even necessarily agree with it. But I'll tell you what I've accepted: just sort of glide along. You want to keep things on an even key, this is what I'm saying. You want to go with the flow. The sea refuses no river. The idea is to remain in a state of constant departure while always arriving. It saves on introductions and goodbyes. The ride does not require explanation - just occupance. That's where you guys come in. It's like you come onto this planet with a crayon box. Now you may get the 8 pack, you may get the 16 pack but it's all in what you do with the crayons - the colors - that you're given. Don't worry about coloring within the lines or coloring outside the lines - I say color outside the lines, you know what I mean? Color all over the page; don't box me in! We're in motion to the ocean. We are not land locked, I'll tell you that. "

"The trick is to combine your waking rational abilities with the infinite possibilities of your dreams. Because, if you can do that, you can do anything."

"The worst mistake that you can make is to think you're alive when really you're asleep in life's waiting room."

"We have got to realize that we're being conditioned on a mass scale. Start challenging this corporate slave state."

"Things have been tough lately for dreamers. They say dreaming is dead, no one does it anymore. It's not dead it's just that it's been forgotten, removed from our language. Nobody teaches it so nobody knows it exists. The dreamer is banished to obscurity. Well, I'm trying to change all that, and I hope you are too. By dreaming, every day. Dreaming with our hands and dreaming with our minds. Our planet is facing the greatest problems it's ever faced, ever. So whatever you do, don't be bored, this is absolutely the most exciting time we could have possibly hoped to be alive. And things are just starting"

"...and as we all know, fun rules."

"Do you ever feel that you’re observing the world you live in instead of participating in it?"

"You haven’t met yourself yet, but the advantage of meeting others in the meantime is that one of them may present you to yourself."

Monday, November 17, 2008

pag laki ko, gusto ko maging...

nung bata pa ako, marami akong bagay na gustong gawin. pero sa sobrang dami e pag minsan hindi ko na malaman kung anong gagawin ko para matupad yung mga yon. at hindi ko rin malaman kung alin ba talaga sa kanila ang uunahin ko na matupad. tulad na lang nung kinder ako. graduation nun at kelangan ng isang propesyon na gusto mo para ilagay sa yearbook. tanda ko yun, nag-iisip ako kung ano ba talaga. sa huli, dahil malapit na ang deadline, tinanong ko na lang ang nanay ko at sinabi nya na teacher na lang ang ilagay ko. isa sa mga gusto kong maging ay maging teacher kaya ok lang na yun ang ilagay ko. pero isa lang yun sa mga gusto kong maging pag tumanda ako. marami kase akong iniisip na ilagay dun kaya hindi ko malaman kung ano ba talaga.

pagkatapos nun, hindi parin ako nakuntento. marami parin akong gustong maging kaya andami kong ginawa para kahit konti e mapalapit ako dun sa pagtupad ng kung ano mang propesyong yun; kabilang na ang pagbabasa at pagtatanong tungkol sa mga propesyon na gusto ko. siguro iniisip mo na kung ano-ano nga ba yung mga gusto kong maging simula nung bata pa ko? eto. isa-isahin natin.

gusto ko maging teacher
ayan. kasama talaga sha. hindi ako napilitan nung sinuggest ng nanay ko na yun ang ilagay sa yearbook nung kinder. gusto ko din magturo. ng bata. as in preschool. ayoko ng grade school. masakit sa ulo. na-try ko na nung nag teachers day kame. na yung mga honor students ang mgiging faculty for a day. ayun, hindi ok. nagwawala yung mga studyante. pero gusto ko magturo ng bata. kase pag bata hindi pa corrupt ang isip nun. masaya pa kausap. makukulit pero may rason naman para maging makulit sila. pero ang pagiging guro ay malaking responsibilidad. ika nga nung sa kasabihan: "be proud you are a teacher. the future depends on you." shet. ambigat non. pano kung hindi mo nagawa ng maayos yung trabaho mo? edi kawawang pilipinas. baka lalong lumubog sa kahirapan. pero marangal maging guro. kung papipiliin gusto ko parin to bilang propesyon dahil sa tingin ko eh nagkukulang na sa mahusay na guro ang pilipinas. pero hindi ko naman sinabi na isa ako dun.

gusto ko maging artist
as in artist na pintor. tanda ko pa nung gradeschool ako hapon yung klase ko. pag umaga, andito lang ako sa bahay. nanonood ng batibot at sesame street at kung ano-ano pang cartoons tulad ng cedie at sarah. pagkatapos nun, wala na kong ginagawa kaya umuupo ako sa table sa harap ng tv at nagddrawing gamit ang mapuputlang kulay ng watercolor. nakakafrustrate pag-minsan kase gusto mo patingkadin yung kulay pero hindi nya kaya. nagkaron din ako nung crayola na 100+. yung may pantasa. feeling cool na ko nun kase meron ako nun. mga colored pencils, craypas (tama ba?), nauso din yung diesel. basta yung nasa bote na iba-iba yung kulay na pinipisa tapos gagamitin mo na parang bolpen. hanggang college nag-attempt ako. ang gamit ko naman nun lapis at bolpen na. mura lang eh. atchaka kahit kelan pwede mong gamitin. kaso... hindi na ko nakakapagdrawing ulet. hindi ko na nga alam kung marunong pa ako eh.

gusto kong maging astronomer
ay, oo. astronomer. yung nag-aaral tungkol sa mga planeta, mga bituin, ang buwan. yun. ewan ko kung bakit. pero masarap kase tumingala sa gabing walang ulap tapos papanoorin mo lang sila. ang kulet pati ng mga constellation. iniisip ko kung pano ba naisip yon ng mga tao noong unang panahon kase yung iba ang layo sa ichura. masaya pati pumunta sa planetarium. nakaincline yung upuan mo tapos nakatingin ka lang sa taas at may nagdidiscuss tungkol sa kalawakan. naniniwala pati ako sa aliens. hehe dahil sa laki ng universe, posible naman na meron pang ibang planeta tulad ng earth na may nabubuhay tulad natin.

gusto ko maging writer
as in manunulat ng nobela, ng mga kwento. inattempt ko din yun nung bata ako. gumawa ako ng isang short story at take note: may kasamang drawing yun. pagdating ng highschool, nabasa ko ulet. nun ko narealize na isa shang rip-off ng isa pang kwento. haha walang wala. pero proud ako nung natapos ko yun. ikaw ba naman grade school tapos gagawa ka ng kwentong limang pahina ang haba. hanggang ngayon gusto ko parin maging writer. masarap magsulat eh. kahit anong bagay o tema pwede mong isulat.


gusto ko maging singer/musikero

surprise! hindi nyo alam yon no. pero oo, nangarap akong maging singer noong bata pa ako. hindi ko rin akalain kase hindi naman ako gano nagsasalita; pero kakanta pa? ang unang kantang napakinggan ko, hindi ko na tanda pero tuwing umuupo ako sa harap ng tv at nagddrawing, bukas lagi yung radio. o kaya pagminsan, pagkagising ko, naririnig ko na agad yung radio. am muna kase nakikinig si daddy bago umalis papuntang ohabart. pero pag-alis nya, yun na ililipat ni mommy sa fm. tanda ko pa mga usong kanta non: mga kanta ni debbie gibson, whitney houston, bon jovi, madonna. o kaya casette tapes yung papatugtugin: queen, america, toto, beatles, beegees, abba, etc. etc. simula non, mahilig na ko sa music. nasasaulo ko yung mga kanta kase araw araw ko napapakinggan sa radio. pinag-piano lessons din kame. na hindi ko nagustuhan dati kase ang taray nung teacher. nanay ko ang may pasimuno kung bakit natuto akong maggitara. basta naalala ko may nakatagong gitara sa kwarto na hindi ginagamit dito sa bahay. iniisip ko lagi kung pano gamitin. pero yun, eventually, natutunan kong tugtugin. at ngayon, ito ako. salamat kay nanay.

gusto kong maging bida sa isang movie
kung anong movie, nakalimutan ko na. basta action. trip ko kase yung mga action scenes. yung manununtok ka ng masasamang loob. pero kahit hindi action, ok lang. generally, hindi ko gusto maging artista. naiisip ko lang na gusto ko kapag gusto ko yung palabas. at gusto ko yung leading man.

<-------- sha yung leading man.









hehehe

gusto ko maging ninja

eto ang ultimate. mula noong bata ako hanggang ngayon. as in pangarap ko talaga. libre naman mangarap eh, bakit ba? kung bakit gusto ko maging ninja, maraming dahilan. marami kang matututunan na jutsu, malapit ka sa kalikasan, kaya mong tumalon-talon sa mga puno, at ang cool ng get-up. hindi ko rin alam kung bakit. kahit wala pang naruto, mahilig na ko sa ninja e. napaka-mystical kase. pwedeng totoo, pwedeng myth lang. pero yun. pangarap ko talaga. hehe








---------------------------------------------------------------------
hindi lang yan. marami pa akong naconsider na gusto kong maging nung bata pa ako. hanggang ngayon, marami parin. naiisip ko minsan gusto kong magtrabaho sa discovery o kaya sa national geographic. kahit photographer ok lang. naisip ko na din na gusto ko maging doktor, pero hindi ganun kahigpit ang kapit sakin kaya hindi masyado. siguro naisip nyo na rin na sa dami ng gusto ko, at least isa sa kanila, matutupad. (gusto ko yung ninja) haha sana nga. hindi ko pa alam kung anong meron sa hinaharap pero sana maging ok. sa ngayon, bum pa lang ako. pa lang kase ayokong manatiling bum. kelangan na ng ohabart. nakakaburat eh.


*please click the pictures for the links.

Monday, August 11, 2008

isa na namang paboritong kanta

I Want It All - Dancehall Crashers

Like to believe there's something more out there

Like to believe that i'm not the only one
Who looks around and feels overcome
So much to do, too many choices
Which one will be the road that becomes my own
Should I act or should I take it slow

Cause when the nagging feeling takes hold
I have to leave it alone
Well i'm anxious and restless
I guess that's what it's like to be young
Well i'm anxious and restless
I guess that's what it's like to be young

Sweet little girl dreamed of the day when
She'd stand up tall and tell the whole world her plan
Her voice will shine as she takes command
Now she'll be heard, she's got the forum
It has arrived, this moment is here for her
But she finds it doesn't matter

Well she's got nothing to say now that this day has come
Well i'm speechless and tongue tied
I guess that's what it's like to be young
Well i'm speechless and tongue tied
I guess that's what it's like to be young

Living day by day
Gets harder to face
When all the questions
Drive you insane
Pick one up, throw it into the sky
I want to feel free and have fun
Cause that's what it really means to be young

I bring it on and drive myself crazy
I want it all and then I want no one's help
I need to make it by myself
And if I achieve what I think I wanted
Will I receive a medal of happiness
Will it make my confusion less

Cause when the nagging feeling takes hold
I have to leave it alone
Well i'm anxious and restless
I guess that's what it's like to be young
Well i'm anxious and restless
I guess that's what it's like to be young

Sunday, August 10, 2008

dito nagsisimula ang lahat...

testing...


isa na namang blog na kelangan kong punan ng iba't ibang ideya at kuro-kuro tungkol sa iba't ibang bagay. sana magkaron na sha ng makabuluhang laman para hindi naman masayang ang pag-gawa ko ng account dito. marami na akong naisulat sa friendster at sa multiply account ko pero ayoko nang ilipat ang lahat ng yon dito. pero... pwede rin kung sipagin man akong maglipat ng blog balang araw.


testing lang to. magkalaman lang to at may mabasa kayo kahit isa man lang. mahilig naman kase ako magsulat eh. ng tungkol sa kahit ano. kahit sino. mga pisikal, emosyonal, spiritwal, etc. na mga konsepto. basta yun. balang araw.


tingnan na lang natin.



basta dito nagsisimula.