Wednesday, May 20, 2009
Monday, May 11, 2009
Ganito na ba tayo? wag naman sana.
Gising, Tol.
Tumatanda ka na, tol.
Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta.
Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong
child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee
idol noon.
Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!". Ngayon, pag may
sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang botika na ang cabinet
mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko
biloba.
Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lech on, sisig, kaldereta,
inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na
lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng
walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang
best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang
lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado
kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang
pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay,
nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa
tinatawag nilang "corporate ladder". Anumang pagkakaibigang umusbong
galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera
din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin
ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka
ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon,
dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka
na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon,
ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati,
sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang
bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.
Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo.
Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang
sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong
hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga
gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.
Saan ka ba papunta?
Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang
sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung
bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang
hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung
paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa
yo. Balikan mo sila.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.
-Anonymous

Monday, May 4, 2009
another :)
"for my part i know nothing with any certainty, but the sight of stars makes me dream."
- vincent van gogh
- vincent van gogh
Subscribe to:
Posts (Atom)