nung bata pa ako, marami akong bagay na gustong gawin. pero sa sobrang dami e pag minsan hindi ko na malaman kung anong gagawin ko para matupad yung mga yon. at hindi ko rin malaman kung alin ba talaga sa kanila ang uunahin ko na matupad. tulad na lang nung kinder ako. graduation nun at kelangan ng isang propesyon na gusto mo para ilagay sa yearbook. tanda ko yun, nag-iisip ako kung ano ba talaga. sa huli, dahil malapit na ang deadline, tinanong ko na lang ang nanay ko at sinabi nya na teacher na lang ang ilagay ko. isa sa mga gusto kong maging ay maging teacher kaya ok lang na yun ang ilagay ko. pero isa lang yun sa mga gusto kong maging pag tumanda ako. marami kase akong iniisip na ilagay dun kaya hindi ko malaman kung ano ba talaga.
pagkatapos nun, hindi parin ako nakuntento. marami parin akong gustong maging kaya andami kong ginawa para kahit konti e mapalapit ako dun sa pagtupad ng kung ano mang propesyong yun; kabilang na ang pagbabasa at pagtatanong tungkol sa mga propesyon na gusto ko. siguro iniisip mo na kung ano-ano nga ba yung mga gusto kong maging simula nung bata pa ko? eto. isa-isahin natin.
gusto ko maging teacher
ayan. kasama talaga sha. hindi ako napilitan nung sinuggest ng nanay ko na yun ang ilagay sa yearbook nung kinder. gusto ko din magturo. ng bata. as in preschool. ayoko ng grade school. masakit sa ulo. na-try ko na nung nag teachers day kame. na yung mga honor students ang mgiging faculty for a day. ayun, hindi ok. nagwawala yung mga studyante. pero gusto ko magturo ng bata. kase pag bata hindi pa corrupt ang isip nun. masaya pa kausap. makukulit pero may rason naman para maging makulit sila. pero ang pagiging guro ay malaking responsibilidad. ika nga nung sa kasabihan: "be proud you are a teacher. the future depends on you." shet. ambigat non. pano kung hindi mo nagawa ng maayos yung trabaho mo? edi kawawang pilipinas. baka lalong lumubog sa kahirapan. pero marangal maging guro. kung papipiliin gusto ko parin to bilang propesyon dahil sa tingin ko eh nagkukulang na sa mahusay na guro ang pilipinas. pero hindi ko naman sinabi na isa ako dun.
gusto ko maging artist
as in artist na pintor. tanda ko pa nung gradeschool ako hapon yung klase ko. pag umaga, andito lang ako sa bahay. nanonood ng batibot at sesame street at kung ano-ano pang cartoons tulad ng cedie at sarah. pagkatapos nun, wala na kong ginagawa kaya umuupo ako sa table sa harap ng tv at nagddrawing gamit ang mapuputlang kulay ng watercolor. nakakafrustrate pag-minsan kase gusto mo patingkadin yung kulay pero hindi nya kaya. nagkaron din ako nung crayola na 100+. yung may pantasa. feeling cool na ko nun kase meron ako nun. mga colored pencils, craypas (tama ba?), nauso din yung diesel. basta yung nasa bote na iba-iba yung kulay na pinipisa tapos gagamitin mo na parang bolpen. hanggang college nag-attempt ako. ang gamit ko naman nun lapis at bolpen na. mura lang eh. atchaka kahit kelan pwede mong gamitin. kaso... hindi na ko nakakapagdrawing ulet. hindi ko na nga alam kung marunong pa ako eh.
gusto kong maging astronomer
ay, oo. astronomer. yung nag-aaral tungkol sa mga planeta, mga bituin, ang buwan. yun. ewan ko kung bakit. pero masarap kase tumingala sa gabing walang ulap tapos papanoorin mo lang sila. ang kulet pati ng mga constellation. iniisip ko kung pano ba naisip yon ng mga tao noong unang panahon kase yung iba ang layo sa ichura. masaya pati pumunta sa planetarium. nakaincline yung upuan mo tapos nakatingin ka lang sa taas at may nagdidiscuss tungkol sa kalawakan. naniniwala pati ako sa aliens. hehe dahil sa laki ng universe, posible naman na meron pang ibang planeta tulad ng earth na may nabubuhay tulad natin.
gusto ko maging writer
as in manunulat ng nobela, ng mga kwento. inattempt ko din yun nung bata ako. gumawa ako ng isang short story at take note: may kasamang drawing yun. pagdating ng highschool, nabasa ko ulet. nun ko narealize na isa shang rip-off ng isa pang kwento. haha walang wala. pero proud ako nung natapos ko yun. ikaw ba naman grade school tapos gagawa ka ng kwentong limang pahina ang haba. hanggang ngayon gusto ko parin maging writer. masarap magsulat eh. kahit anong bagay o tema pwede mong isulat.
gusto ko maging singer/musikero
surprise! hindi nyo alam yon no. pero oo, nangarap akong maging singer noong bata pa ako. hindi ko rin akalain kase hindi naman ako gano nagsasalita; pero kakanta pa? ang unang kantang napakinggan ko, hindi ko na tanda pero tuwing umuupo ako sa harap ng tv at nagddrawing, bukas lagi yung radio. o kaya pagminsan, pagkagising ko, naririnig ko na agad yung radio. am muna kase nakikinig si daddy bago umalis papuntang ohabart. pero pag-alis nya, yun na ililipat ni mommy sa fm. tanda ko pa mga usong kanta non: mga kanta ni debbie gibson, whitney houston, bon jovi, madonna. o kaya casette tapes yung papatugtugin: queen, america, toto, beatles, beegees, abba, etc. etc. simula non, mahilig na ko sa music. nasasaulo ko yung mga kanta kase araw araw ko napapakinggan sa radio. pinag-piano lessons din kame. na hindi ko nagustuhan dati kase ang taray nung teacher. nanay ko ang may pasimuno kung bakit natuto akong maggitara. basta naalala ko may nakatagong gitara sa kwarto na hindi ginagamit dito sa bahay. iniisip ko lagi kung pano gamitin. pero yun, eventually, natutunan kong tugtugin. at ngayon, ito ako. salamat kay nanay.
gusto kong maging bida sa isang movie
kung anong movie, nakalimutan ko na. basta action. trip ko kase yung mga action scenes. yung manununtok ka ng masasamang loob. pero kahit hindi action, ok lang. generally, hindi ko gusto maging artista. naiisip ko lang na gusto ko kapag gusto ko yung palabas. at gusto ko yung leading man.
<-------- sha yung leading man.
hehehe
gusto ko maging ninja
eto ang ultimate. mula noong bata ako hanggang ngayon. as in pangarap ko talaga. libre naman mangarap eh, bakit ba? kung bakit gusto ko maging ninja, maraming dahilan. marami kang matututunan na jutsu, malapit ka sa kalikasan, kaya mong tumalon-talon sa mga puno, at ang cool ng get-up. hindi ko rin alam kung bakit. kahit wala pang naruto, mahilig na ko sa ninja e. napaka-mystical kase. pwedeng totoo, pwedeng myth lang. pero yun. pangarap ko talaga. hehe
---------------------------------------------------------------------
hindi lang yan. marami pa akong naconsider na gusto kong maging nung bata pa ako. hanggang ngayon, marami parin. naiisip ko minsan gusto kong magtrabaho sa discovery o kaya sa national geographic. kahit photographer ok lang. naisip ko na din na gusto ko maging doktor, pero hindi ganun kahigpit ang kapit sakin kaya hindi masyado. siguro naisip nyo na rin na sa dami ng gusto ko, at least isa sa kanila, matutupad. (gusto ko yung ninja) haha sana nga. hindi ko pa alam kung anong meron sa hinaharap pero sana maging ok. sa ngayon, bum pa lang ako. pa lang kase ayokong manatiling bum. kelangan na ng ohabart. nakakaburat eh.
*please click the pictures for the links.
Monday, November 17, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)